Pagpapahalaga sa Buhay
Ang layunin ng buhay ng tao ay ang magsilbi, at ang magmalasakit at tumulong sa kapwa.
– Albert Schweitzer
Ang Halaga ng Aking Buhay Tungo sa Pagpapakatao at Pakikipagkapwa
Ang pagpapahalaga sa buhay ay magsisimula sa pagkabata kung saan mayroon na tayong basic na instinct na umiwas sa mga mapanganib na sitwasyon. At sa ating paglaki, mas lumalalim ang ating pagunawa sa halaga ng ating buhay kung kaya't mas lalo natin itong iniingatan. Pero paano tayo mabubuhay kung tayo'y namumuhay ng mag-isa? Ang buhay ng tao ay hindi nilikha para sa sarili, kundi para sa kapwa niya tao, dahil ang tao ay laging nakikipagkapwa tao. Nariyan ang kapwa bilang iyong kasama, karamay, kaibigan, at kapamilya, kung kaya't mahalaga na ang ating buhay na gamitin sa tamang pagpapakatao at pakikipagkapwa. Kung matutunan natin ang halaga nito sa pakikipagkapwa, mas lalo natin mapalalago ang ating pagkatao tungo sa kabutihan at nararapat.
Mahalaga ang buhay ko para sa akin at lagi ko itong iniingatan at aalagaan. Ang buhay ang dahilan kung bakit ko nararanasan ang lahat mula sa mga malulungkot na alaala hanggang sa mga masasayang pagkakataon ng buhay ko. Ano man ang kinakaharap kong sitwasyon, magpapasalamat parin ako sa aking buhay at mananatili sa pagpapahalaga dito. Nagpapasalamat ako dahil napagkalooban ako ng buhay na matiwasay at tahimik; hindi gaanong nahihirapan at komportable ang kalagayan. Sa tuwing babagsak at lubusang malulungkot ako, kapag naalala ko na may iba pang mas nahihrapan bukod sa akin, bigla kong maiisip na mas mapalad pa pala ako, kaya patuloy akong babangon at lalaban sa bagong umaga upang harapin ang susunod kong hamon sa buhay.
10 Life Goals
Makapagtapos ng pag-aaral sa kursong gusto ko at makapaghanap agad ng maayos na trabaho. Pagkatapos ay isasakatuparan na lahat ng mga plano sa buhay gaya ng pagtatayo ng negosyo.
Magretire ng maaga.
Magtayo ng maunlad na negosyong tatagal ng mahabang panahon at aabutin ang susunod na henerasyon.
Maglibot sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Maging independent sa buhay at kayang mabuhay na mag-isa.
Magkaroon ng maayos na pamumuhay ang aking pamilya. Hindi na kami kakapusin ng kung ano man at hindi na magkakaroon ng problema tungkol sa extended family at pera.
Masigurado ang aking hinaharap lalo na sa aspetong kalagayan at kayamanan.


Lumikha ng isang magandang pelikula na ako ang kumuha at nagdirihe.
Tugtugin ang piano.
Makapang-asawa ng isang taong maayos, walang bisyo, malinis ang intensyon, at taong magiging kasundo ko sa lahat ng bagay. :)
10 Gratitude Statements in Life
Salamat sa bagong umaga.
Salamat sa buhay ko at sa klase ng buhay na ipinagkaloob sa akin, kaya hindi ako nahihirapan.
Salamat at may bahay kami.
Salamat sa mga masasarap na pagkain na kinakain ko sa araw-araw.
Salamat sa aking pamilya na mahal na mahal ako. Sa aking nanay at tatay na alagang alaga ako, salamat sa kanila.
Salamat dahil wala akong malubhang sakit.
Salamat dahil malaya ako na gawin ang gusto ko o ilahad ang aking nararamdaman.
Salamat at binigyan ako ng katalinuhan na aking magagamit sa hinaharap.
Salamat at nabigyan ako ng opportunidad na makapag-aral sa isang paaralan kung saan tunay ba napapalago ang aking kaalaman.
Salamat dahil wala parin kaming COVID at maayos ang aming kalusugan at pakiramdam.